Martes, Enero 14, 2014

Strategies to Overcome Barriers in Technology Implementation






Masaya akong makita ang mga estudyante ko na nag-enjoy sa mga tinuturo ko lalo ko silang nakakitaan ng interest kapag may mga papanuorin silang mga movie kaysa basahan sila ng kwentong napagkahaba-haba gamit ang technolohiya napapagaan nito ang trabaho ng guro. Kaysa mangawit ang lalamuna mo kakasalita bakit di natin gamatin ang mga makabagong kagamitan sa pagtuturo?

Di naman natin masisisi ang ibang guro dahil may ilan nasalat sa kagamitan gaya ng laptop,speaker,white board, LCD Projector. Na kalimitan lang magamit sa mga pampublikong paaralan. Pero sinisikap ng ating gobyerno na mapunan ang mga kailangan ng ating mga pampublikong paaralan dahil sa FAB nagkaroon ng one is to one na mga computer set ang mga pampublikong paaralan. Gaya ng nakasanayan tinulungan din ang mga dating guro na nasanay na sa dati nilang paraan ng pagtuturo na kung paano gumamit ng bagong teknolohiya mariing pinaliwanag din na sa ganitong paraan madali din nila maencode ang grades ng mga bata.

Sa kasamaang palad di lahat ng guro ay bukas ang isip sa paggamit ng mga ito dahil sa mga attitudes at paniniwala nila na " Dati naman nakatapos kami ng walang ganyan at pahirap pa yan! dahil maraming aberya sa mga teknolohiya. Halimbawa na lang gamit mo ang komputer nagtatype ka ng grades, tapos biglang nawalan ng kuryente. Ngayon paano kana? hanggang sa madelay ka sa pagpapasa ng grades ng mga estudyante sa tamang oras.  Saba't pa ng isang guro: Ang hirap pa nga diyan paghalimbawa ng tuturo ka ng lesson mo nakatakda kang gumamit ng LCD Projector pagkanawalan ng kuryente paano ka na? Di ka na magtuturo? o kaya magiging dalawa pa ang iyong kailangang ihandang kagamitan sa pagtuturo aksayado ka pa sa materyales. Ang masama pa nyan ang guro nagiging  "Technology Dependent" Di siya magtututro nang wala ang nakasanayan nyang gamitin.

Kaya para sakin di natin masisisi ang ibang mga guro sa di agarang pagsang-ayon sa mga makabagong paraan ng pagtuturo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento